Sexy Bela Padilla wearing pink bikini in a controversial cover of FHM @belavly
Tuesday, February 28, 2012
Wearing red bikini LJ REYES posed sexy for Playboy Magazine @OfficialLjReyes
Tuesday, February 28, 2012
Pauleen Luna Collapsed sa Eat Bulaga! Buntis Kaya?
Sunday, February 12, 2012
Nag-collapse diumano si Pauleen kanina sa larong Juan For All, All For Juan portion ng Eat Bulaga. Ayon kay Allan K. hinimatay si Pauleen sa sobrang pagod at hilo sa biyahe papunta sa location ng nasabing palaro.
Ipinakuwento ni Vic Sotto kay Allan K kung ano ang nangyari kay Pauleen. Ikinuwento ni Allan na alas-dos ng madaling-araw pa lang ay nasa bahay na niya si Pauleen para sumabay ito papuntang airport sa Davao. Biro naman ni Vic, kung hindi raw ba naghahanap ng maasim si Pauleen.
Pero dagdag niya, nagtatanong lang naman daw siya. May mga balitang kumakalat na may relasyon diumano si Vic Sotto at si Paulene Luna subalit hindi pa ito kumpirmado.
Nag trend pa si Pauleen Luna sa Twitter dahil sa pangyayari.
Ipinakuwento ni Vic Sotto kay Allan K kung ano ang nangyari kay Pauleen. Ikinuwento ni Allan na alas-dos ng madaling-araw pa lang ay nasa bahay na niya si Pauleen para sumabay ito papuntang airport sa Davao. Biro naman ni Vic, kung hindi raw ba naghahanap ng maasim si Pauleen.
Pero dagdag niya, nagtatanong lang naman daw siya. May mga balitang kumakalat na may relasyon diumano si Vic Sotto at si Paulene Luna subalit hindi pa ito kumpirmado.
Nag trend pa si Pauleen Luna sa Twitter dahil sa pangyayari.
Bianca King, ipinagmamalaki si Dennis Trillo
Thursday, February 02, 2012
GOOD KARMA ang mga nangyayari ngayon kay Dennis Trillo dahil nalalampasan pa rin niya ang mga problemang sunud-sunod niyang naranasan. May lovelife na naman siya habang busy sa kanyang mga proyekto sa GMA-7. Natahimik na ang huling eskandalo sa lovelife na kanyang dinaanan last year, at iyon ay ang kontrobersiyal nilang paghihiwalay ni Jennylyn Mercado na dahil sa mga pagbubulgar ng aktres, ay gumewang talaga ang career ng mahusay na aktor dahil marami rin ang nagsimpatiya kay Jen sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Marami pa umanong puwedeng ibulgar si Jennylyn na lalo pang makasisira sa personalidad ni Dennis. Pero wala nang ganu’ng nangyari, dahil biglang naging maaliwalas ang mundo ni Jen dahil puro masasaya at magagandang salita na ang dala ng kanyang mga kuwento magmula nang magkakilala at mauwi sa relasyon ang pagtitinginan nila ni Luis Manzano. Kahit ang muling pagsasama sa project nina Dennis at Jennylyn ay positibo na rin ang mga sinasabi ng GF ni Luis.
Ngayon ay si Bianca King na ang malapit sa puso ni Dennis. Ipinagmamalaki na ng magandang aktres na boto ang kanyang mommy sa aktor. Inaabangan na ngayon kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Huwag naman daw sanang mangyari, na kung hindi sila magtagal, ay maiba naman ang kuwento ng kanilang hiwalayan sa naging pakikipaghiwalay ni Dennis kina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn at Pauleen Luna. Matuto na rin sana at mag-ingat sa gulo ng pakikipagrelasyon si Dennis. Katulad ng mga naunang nakarelasyon at nakahiwalayan ng aktor, si Bianca rin ay prangka at sobrang palaban kapag naaagrabiyado.
Iza Calzado, umalis ng Siyete dahil kay Marian Rivera?!
Thursday, February 02, 2012
NAKAUSAP KO si Diana Zubiri at ayon sa aktres, nakatakda siyang pumirma nang panibagong kontrata sa GMA-7. “Ang loyalty ko kasi, nasa Channel 7. At alam nila iyon,” pahayag ng aktres nang makausap namin siya sa Broadway Centrum,a kung saan ay taping ng programang Celebrity Samurai na ang host ay si Joey De Leon para sa TV5.
Ayon kay Diana, no comment daw siya sa ginawang paglipat ni Iza Calzado sa Dos. Sabi ni Diana may dahilan daw siguro si Iza sa ginawa nitong desisyon. “Irespeto na lang natin kung ano ang gusto niya.”
Aminado si Diana na matagal na sila ni Iza sa Siyete pero after Encantadia ay hindi na siya nabigyan ng big project ng kanyang home network. Kung tutuusin ay may mga alok ang dalaga sa ibang network, pero deadma siya dahil mananatili sa kanyang puso ang respeto at pagtanaw nang utang na loob sa Channel 7.
Teka, sa totoo lang, usap-usapan na kaya raw umalis si Iza sa Siyete ay dahil si Marian Rivera lang ang binibigyang-importansiya ng Siyete. Mula nang dumating si Marian sa nasabing network, sina Iza, Karylle at maging si Diana ay hindi na napapansin pa ng nasabing network. “Hay, naku… no comment po ako d’yan. Ayokong magsalita tungkol sa bagay na iyan.” Pero aminado si Diana na, na kay Marian ang atensyon ng Channel 7.








